Song List

Ikaw at ako | Nasa puso | Baby I do | Wag kana magalit | From the start |

"Ikaw parin ang baby ko"

Kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa.
Ngiti at luha sa aking mga mata ganun na pala tayo dati kasaya.
Yung tipong kapag tayo'y nagkakatitigan,.
magngingitian para bang nahihibang.
Mag-iingay kahit sobrang tahimik ng kapaligiran,.
Kahit may nagrereklamo na'y wala tayong pakialam.

Panahon nandun ka pa laging pumupunta.
'Di inaasahan may sopresa ka laging dala.
Ang saya saya ayoko lang pahalata.
Kase okay na namn ako basta makasama ka.

Kaso lang wala na pero alam ko na masaya ka na.
Sa mundo ko wala nang makakagawa.
Makakakatumbas ng yongh napadama.

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo.
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko.
At inaamin kong namimiss kita, na namimiss kita.
Sa'kin ikaw parin ang baby ko, ang baby ko.
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko.
Pangakong ipagdadarasal pa rin kita, ipagdadarasal pa rin kita.

Kase di ko na matiis love.
Dahan-dahan kitang name-miss love.
Ilang bese man nilang aliwin ikaw at ikaw pa rin.
ang gusto kong kini-kiss love.
'Di pumapayag na di kita kasama.
Kung makayakap daig pa ang mag-asawa.
Naka-alalay sa ano mang bagay.
Mawala man ako sa sarili laging nandyan ka.
At kung mababalik ko lang aayusin ko lahat.
sa loob ng pitong buwan.
Maghihilom ang lahat sa puso mo na duguan.
Balang araw kaso biglang umulan(yeah).

Dahil nga wala ka na pero alam ko na masaya ka na.
Sa mundo ko wala nang makagagawa.
Makakatumbas sa'yong napadama (ohh).
Alam ko namng kasalanan ko oh sinayang ko.
Malabo nang pagbigyan mo, malabo nang pagbuksan mo.
Kahit ano pang paghirapan ko, pano kung ayaw mo.
Anong magagawa ko, anong magagawa ko.

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo.
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko.
At inaamin kong namimiss kita, na namimiss kita.
Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko.
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko.
Pangakong ipagdadarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin.